Tila may pakiusap ang comedian-singer na si Janno Gibbs sa direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap.

Mababasa sa Instagram post ni Janno noong Agosto 6 na nakiusap siya kay Direk Darryl na gawan nito ng pelikula ang buhay niya, o kilala sa tawag na "biopic".

"Direk Darryl, Gawan mo naman ng movie ang buhay ko. Request: Gawin mo kong matangkad, matangos at hindi nale-late sa work. Wag mo na rin isama yung mga chicks na na-link sakin," aniya sa pubmat na kalakip nito.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Sa caption naman, "Labyu Direk ✌️❤️"

"Babala: Sa mga news portal na magpick-up nito; Wag nyo tanggalin yung Emojis at gawing seryoso ha! 🤪"

Kahapon ng Miyerkules, Agosto 10, ay binanatan ni Janno ang kaniyang bashers na nagsasabing laos at papansin siya.

"Bakit ganon? Pag dumating ang bashers, sabay-sabay sunod-sunod sa isang araw. At dumarating sila pag madami likes ang post. May GC kayo? Laging sinasabi laos na ako, papansin. Bakit n'yo pinapansin?" saad ni Janno.

Sa isa pang IG post ay makikitang kasama ni Janno sa litrato ang "The Big Boss" ng Viva Artist Agency na si Boss Vic Del Rosario at mukhang may nilulutong proyekto para sa kaniya.

Kapansin-pansing ang hashtag niya rito ay "#laosnamaramingproject".

Samantala, wala pang tugon si Direk Darryl sa pabirong panawagan ni Janno.