LAGUNA - Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng may-ari ng isang tindahan dahil lamang sa parking space saCalamba Trade Center public market sa Calamba nitong Miyerkules ng umaga.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Odonio Sario, Jr., 36, dahil sa tatlong tama ng bala sa likuran bahagi ng katawan.

Matapos ang krimen, kaagad namang tumakas ang suspek na nakilalang siRonie Evasco.

Sa report ng Calamba City Police, dakong 5:30 ng umaga nang iparada ng biktima ang kanyang tricycle sa harap ng fruit stand na pag-aari ni Evasco.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nairita ang suspek sa pagparada ng biktima dahil nahaharangan umano ang kanyang puwesto.

Nagtalo ang dalawa at naging mainitan hanggang sa bumunot ng baril ang suspek.

Nagpaputok muna pababa ang suspek upangn takutin ang biktima. Gayunman, tumalbog ang bala sa semento at tinamaan sa paa ang bystander na si Robert Samalla.

Paalis na sana si Sario na hinabol pa ng suspek at pinaputukan ng tatlong beses.

Nahaharap na sa kasong pagpatay ang suspek, ayon pa sa pulisya.