Matapos makaladkad sa publiko ang isang negosyanteng sangkot sa pangangaliwa umano ni Victor Consunji, patuloy na nagsisiwalat si Maggie Wilson ng dagdag na resibo laban sa dating asawa.

Nitong Martes, Hulyo 9, muling isiniwalat ni Maggie sa ilang serye ng Instagram stories ang ilang ebidensiya umano ng pangangaliwa ng dating asawa sangkot ang isang Rachel Carrasco.

Basahin: Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ibinahagi ng celebrity mom ang isang screengrab ng usapan nila ng isang netizen na nagsumbong sa umano’y pagsundo ni Victor sa isang babae sa airport.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maggie Wilson/via Instagram story

Mapapansing Setyembre 2019 pa ang naturang usapan, dalawang taon bago ang inanunsyong hiwalayan ng kilalang couple noong 2021.

Sunod na makikita ang isa pang netizen na nagbigay impormasyon kay Maggie sa umano’y pag-check-in ni Victor at ni Rachel sa isang hotel noong Disyembre 2019.

Muling saad ni Maggie sa kabila ng natanggap na kaso, “I reached out multiple times to resolve these issues privately, amicably and sensible.”

“It’s such a shame that it’s come to this, but sometimes in life, you’ve got to do what you got to do,” dagdag ni Maggie.

Maggie Wilson/via Instagram story

Maggie Wilson/via Instagram story

Humingi rin muli ng tawad si Maggie sa mga kaibigan ng sangkot na panig na maaring walang ka-ide-ideya sa aniya’y mga nalalaman niya.

“May this be a lesson to everyone reading this that conflict should and can be avoided by having mature and pragmatic dialogue,” aniya pa.

Nagpasalamat din si Maggie sa mga tanong nagpaabot ng suporta sa kinahaharap niyang sitwasyon.

Paalala ng dating beauty queen: “I haven’t even scratched the surface.”

Nitong Miyerkules, sunod na makikita ang aniya’y ilan pang patunay sa nagpatuloy na ugnayan ng noo'y asawa at ni Rachel.

Maggie Wilson/via Instagram story

Maggie Wilson/via Instagram story

Maggie Wilson/via Instagram story

Dagdag na resibo pa ang ibinalandra ni Maggie sa kaniyang IG stories kalakip ang aniya’y Amanpulo trip nila ni Victor ilang buwan na ang nakalilipas, kung saan tila present din aniya ang negosyanteng si Rachel.

Maggie Wilson/via Instagram story

Maggie Wilson/via Instagram story

Maggie Wilson/via Instagram story

Maggie Wilson/via Instagram story

“Money spent on this trip is believed to be from conjugal funds,” saad ni Maggie.

Nanatiling tikom ang kampo ng dating asawa at ng nasasangkot na negosyante sa mga paratang ni Maggie.