Mahigit isang buwan matapos muling umere ang Idol Philippines, ipinakilala na ang Top 20 ng ikalawang season. Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang latest cut ng kompetisyon.

Nitong Linggo, Agosto 7, nakilala na ang dalampung artist na magpapatuloy sa reality singing competition.

Kabilang sa listahan si Ann, Anthony, Bryan, Darius, Delly, Drei, Esay, Isaac, Jarea, Jean, Khimo, Kice, Misha, Nisha, PJ at Trisha.

Nauna nang lumusot sa Top 20 ang platinum ticket holders na sina Kimberly, Ryssi, Dominic at Chester.

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

Ang listahan ay inanunsyo sa official Facebook page ng programa kasunod ng dalawang linggong pag-ere ng middle round o tinawag ding “Do or Die” section ng kompetisyon.

Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang latest cut at hinanap ang kani-kanilang manok sa Top 20.

Kabilang sa sigaw ng maraming netizens ang online streaming star na si Chloe Redondo na naligwak sa kompetisyon.

Basahin: Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hinanap din ng netizens ang mga contenders na sina Brei, Lecelle, Jerold, Dior bukod sa iba pa.

“Ang unfair ng pickings niyo, yung mga nagkamali nakapasok,” komento ng isang netizen sa anunsyo.

“Sayang si Chloe!!!! Bat naman gnun🥺ang galing niya eh, siya yung nag highlight sa group nila for me🤧aabangan ko pa naman siya sa Solo Round niya huhu!”

“I made a list earlier while watching the do-or-die round, they were all amazing but unfortunately Dior and Chloe didn't make it. ): Chloe is deserving to enter the top 20 a lot better!” segunda ng isa pang netizen.

“Not so good for this season! It's obvious that they wanted to create a new star! But to drop artists that are really deserving than others?! HAHHAA😅So disappointing!”

“Hoping magkaka-wildcard mga best para pasok p din mga alam nating deserving pa ring pumasok s IdolPh like Chloe & Brei, Lecelle & Dior...🙏🙏🙏

Gayunpaman, todo-suporta rin ang maraming fans ng Top 20 hopefuls sa nalalapit na solo round sa susunod na linggo.

Ang Idol Philippines ay mapapanuod sa ilang Kapamilya channels, A2Z, TV5, IWant TV, at TFC tuwing Sabado at Linggo.