Naniniwala si OCTA Research fellow Dr. Guido David na ‘very possible’ o malaki ang posibilidad na tumaas ang mga naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, sa sandaling tuluyan nang magbalik ang face-to-face classes sa Nobyembre.

Sa kabila naman nito, kaagad ding nilinaw ni David na hindi niya iminumungkahi na pagbawalan na bumalik sa eskwela ang mga bata, lalo na at mahigit dalawang taon na aniyang sumasailalim ang mga ito sa remote learning bunsod ngCovid-19pandemic.

Sinabi rin ni David na karaniwan namang asymptomatic lamang o nagkakaroon ng mild infections ang mga bata kahit dapuan sila ngCovid-19infections.

“We have to set expectations talaga na it’s very possible na magkakaron ng pagtaas ng bilang ng kaso kapag nagbalik sa eskwelahan ang mga bata,” ayon kay David, sa isang panayam sa telebisyon nitong Martes.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

“Hindi naman natin sinasabi na ‘wag natin [sila] ibalik sa eskwelahan kasi more than two years na nakakulong sila. Affected ‘yung ating quality of education at ‘yung schooling ng mga bata, ‘yung social life nila so, kailangan ibalik natin,” aniya pa.

Ani David, ang marapat na gawin ay magtakda ng mga protocols hinggil sa air ventilation at physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa paaralan.

Dapat rin aniyang tiyaking ang lahat ng mga guro at iba pang school personnel ay bakunado laban saCovid-19.

Ang School Year 2022-2023 ay una nang itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 22, 2022 hanggang Hulyo 7, 2023.

Ang limang araw naman na face-to-face classes ay sisimulan na sa Nobyembre 2, 2022.