Finally ay nagkita na sa Amerika ang mag-inang sina Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion, ayon sa Instagram post ni Shawie, Agosto 9.

Aminado si Shawie na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagyao ng kaniyang matalik na kaibigang si Cherie Gil, na nakasama niya sa iconic movie na "Bituing Walang Ningning", kung saan nagmula ang iconic lines ni Cherie na "You're nothing but a second rate, trying hard, copycat!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/sharon-cuneta-patuloy-na-nagdadalamhati-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil/">https://balita.net.ph/2022/08/08/sharon-cuneta-patuloy-na-nagdadalamhati-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil/

Ang "La Primera Contravida" ang pangatlong malapit na celebrity sa buhay ni Shawie na namayapa ngayong taon. Ang una ay ang kaibigang stylist na si Fanny Serrano, at pangalawa naman ang tinaguriang "Queen of Philippine Cinema" na si Susan Roces.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"A little HAPPY during days of grieving.🥰❤️🙏🏻 @kristinaconcepcion" saad sa caption ng IG post ni Mega.

Sa mga sumunod na IG post ni Shawie ay makikitang may iba pa silang mga kakilalang kasama.

Natuwa naman ang mga netizen sa reunion ng mag-ina, lalo't matagal nang natsitsismis na hindi sila okay.

"Enjoy your dinner momma with your loved ones!"

"I am so happy nagkita kayong mag ina.😍 There’s no greater love than mother’s love."

"Happy dinner enjoy po forget muna saglit ang pain."

"So happy to see you together."

"Finally nagkita na rin sila!"

Si KC ay anak nina Megastar at aktor na si Gabby Concepcion.