Nasagap raw ni Manay Lolit Solis na ipinasilip na sa ilang Korean audience ang Pinoy adaptation ng “Start-Up” na pagbibidahan nina Kapuso star Alden Richards at Bea Alonzo.

Sa isang Instagram update ni Manay Lolit, nag-react na umano ang Korea sa local version ng 2020-hit Korean series, tinatayang isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA ngayong taon.

Agad na agam-agam ng talent manager, “Hindi kaya nakita ng Korea na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo?”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Matatandaang ang walang-humpay na tirada ng 75-anyos na showbiz personality mula pa noong nakaraang Marso na nag-ugat umano sa sadyang pagpapatanggal ng Kapuso actress kay Manay Lolit sa listahan ng mga dadalong press sa isang press conference.

Basahin: Manay Lolit, bakit nga ba ‘galit’ kay Bea Alonzo? Ogie Diaz, may isiniwalat – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dagdag ni Manay, dapat “mas mukhang bata” umano ang sana’y ipinares kay Alden sa halip na si Bea na aniya’y “never nang magiging younger-looking.”

Matatandaang nitong Hulyo, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip na ng GMA Network ang ilang behind the scenes ng inaabangan nang Pinoy adaptation ng sikat na Korean drama series.

Samantala, sa kabila ng mga patutsada ni Manay kay Bea, hindi kailanman pinatulan ng aktres ang mga ito.

Basahin: Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasalukuyang nagpapagaling si Manay Lolit sa kaniyang ilang mga karamdaman.

Basahin: ‘Lakas kulam niya sa’kin’: Manay Lolit, sinabing si Bea Alonzo lang ang sasaya ‘pag nategi siya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid