Natuwa at kinilig ang award-winning director-writer-producer ng pelikulang "Katips" na si Atty. Vince Tañada sa mensahe, papuri, at endorsement ni dating Vice President at ngayon ay chairperson ng Angat Buhay Foundation na si Atty. Leni Robredo, na ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng Philippine Stagers Foundation.

"Wow! Look: Atty. Leni Robredo on #KatipsTheMovie huwag ng papahuli pa! Nood na!" saad ni Tañada sa caption, nang i-share niya ang post ng kaniyang PSF.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Natuwa rin ang Best Supporting Actor ng 70th FAMAS na si Johnrey Rivas, na isang Kakampink.

"😳😳😳 #Katips," tanging caption niya.

Ayon kay Robredo, napapanahon at mahalaga ang mensahe ng pelikula lalo na sa panahon ngayong binabago at binabaluktot ang kasaysayan sa pamamagitan ng kasinungalingan. Dalawampu't siyam na segundo lamang ang itinagal ng video nito.

"Hello sa lahat ng bumubuo ng Katips. Congratulations sa inyo for this wonderful piece," bungad ni Atty. Leni na nakasuot ng pink attire.

"Mahalaga ang mensaheng dala ng inyong pelikula, lalo na sa panahong pilit na binabago at inililihis ang kasaysayan, at marami sa ating mga kababayan ang napapaniwala sa mga kasinungalingan. You are yet another proof that art is integral in the way we shape the world. Patuloy lang sa paglikha! Maraming salamat sa inyong lahat!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/09/robredo-pinuri-inendorso-ang-katips-wonderful-piece-mahalaga-ang-mensahe-ng-pelikula/">https://balita.net.ph/2022/08/09/robredo-pinuri-inendorso-ang-katips-wonderful-piece-mahalaga-ang-mensahe-ng-pelikula/