Sagada, Mt. Province -- Inilikas na ang apektadong 23 miyembro ng pamilya dahil sa unti-unting paglubog ng lupa sa Sitio Tatabra-an, Brgy, Sacasacan ng bayang ito mula pa noong Agosto 4.

Hinihinala na ang pagbitak ng lupa at paglubog nito ay may kinalaman umano sa nagdaang magnitude-7 lindol noong Hulyo 27.

Sa unang post ng Sadanga Municipal Social Welfare and Development noong Agosto 7, iniulat na ang unti-unting paglubog ng lupa bawat araw atlimang concrete houses at apat na granaries ay hindi na pwedeng tirahan.

Hindi na rin makakadaan sa Tekan road dahil nagbitak at umangat sa lupa ang konkretong kalsada.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Mismong ang Brgy. Sacasacan ang nagdeklara ng state of calamity sa lugar noong Agosto 5, upang mapaghandaan ang anumang mangyayari.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng monitoring at assessment angRapid Damage and Needs Assessment (RDANA) team na binubuo ng mga tauhan mula sa Municipal Engineering Office, Municipal Health Office (MHO), Municipal Plans and Development Office, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Sadanga Municipal Police Station

Ang mga apektadong pamilya ay inilipat na sa ligtas na lugar, samantalang may anim pang kabahayan, na kinabibilangan ng 25 pamilya ang posibleng maapektuhan at pinagsabihan na maging alerto at lumikas na din sa lugar.

Iniulat din na tatlong rice granary at tatlong pampublikong pasilidad ang nasira dulot ng pagbitak ng mga lupa, na kinabibilangan ng Fokong irrigation system (Filing section), Poblacion water system (Abeo, Tap-ag at Sangay Water source) at Tekan Brgy road (Tatabraan section).

Wala pang malinaw na imbestigasyon kung ang pagbitak at paglubog ng lupa na may sukat ng isang metro ay dulot ng nakaraang lindol.

Samantala, ang mga opisyal ng barangay at mga residente ay nanawagan sa agarang aksyon ng provincial government upangmapasuri sa Mines and Geosciences Bureau ang lugar kung nararapat pa itong tirhan ng mga tao.