Tuloy na sa Agosto 22 ang pagbubukas ng School Year 2022-2023.

Ito ang inihayag niDepartment of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa, sa kabila ng mga panawagang ipagpaliban pa ang class opening sa kalagitnaan ng Setyembre.

“Tuloy na tuloy na tayo. Wala nang atrasan. August 22, 2022 ang opening of classes natin this year,” ayon pa kay Poa, sa isang panayam nitong Lunes.

Binigyang-diinpani Poa na alinsunod sa Republic Act No. 7797, ipinagbabawal ang pagbubukas ng school year ng lampas sa Agosto.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Aniya pa, marami na rin ang lumahok sa Brigada Eskwela program, na paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DepEd sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa school opening.

Sinimulan na rin umano nila ang pagtatayo ng mga temporary learning spaces para sa mga paaralan na tinamaan ng malakas na lindol noong Hulyo 27.

“We are also in contact with [local government units] para sa spaces na hindi nila nagagamit or hindi naman usually nagagamit, baka puwede ipahiram muna as temporary learning spaces,” aniya pa.

Ang School Year 2022-2023 ay nakatakdang idaos mula Agosto 22 hanggang Hulyo 7, 2023.

Ang limang araw na face-to-face classes naman ay sisimula sa Nobyembre 2, 2022.