Heads-up, online sellers

Simula Oktubre 1, hindi na makakapag-simula o schedule ng live shopping ang sinuman sa Facebook dahil magfo-focus na ito sa short-form video feature na Reels.

Sa pahayag na inilabas ng technology company na Meta, sinabi nitong maaari pa rin namang magamit ang Facebook Live para mag-broadcast ng mga live na kaganapan, ngunit na makakapag-tag ng mga produkto sa mga Facebook live.

"As consumers’ viewing behaviors are shifting to short-form video, we are shifting our focus to Reels on Facebook and Instagram, Meta’s short-form video product," pahayag ng kompanya.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Hinikayat naman nito ang mga online sellers na subukang mag-eksperimento sa mga Reels at Reels ad sa Facebook at Instagram, na kung saan ay maaaring mag-tag ng produkto.

"If you have a shop with checkout and want to to host Live Shopping events on Instagram, you can set up Live Shopping on Instagram," anang Meta.

Matatandaan na unang inilunsad ang live na feature noong 2018 sa Thailand.

Nalampasan ng Meta ang $1 bilyon na taunang revenue run rate para sa mga ad sa karibal nito na TikTok, at ang Reels ay mayroon na ngayong mas mataas na rate ng pagtakbo ng kita kaysa sa Facebook o Instagram stories sa magkaparehong oras pagkatapos ng paglulunsad.