Trending ang morning talk show na “Magandang Buhay” sa Twitter dahil bukod sa nagdiriwang sila ng anim na taong anibersaryo, pormal at opisyal na nilang ipinakilala ang bagong ‘KuMomshie’ na makakasama nina Momshie Jolina Magdangal at Momshie Melai Cantiveros---walang iba kundi ang dating guest co-host, ngayon ay permanenteng momshie host na si Asia’s Songbird Regine Velasquez!
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/bagong-official-momshie-ng-magandang-buhay-ipakikilala-na/">https://balita.net.ph/2022/08/05/bagong-official-momshie-ng-magandang-buhay-ipakikilala-na/
"Kilalanin ang pinakabagong Momshie ng Magandang Buhay, Momshie Regine Velasquez-Alcasid! Woohoo! #MagandangBuhay," saad sa caption ng opisyal na Instagram account ng show.
Nagsimula si Regine bilang guest co-host ng MB simula nang pansamantalang mawala ang original host na si Momshie Karla Estrada noong Pebrero dahil tumakbo ito sa halalan, bilang isa sa mga nominee ng partylist na "Tingog", na pinalad namang manalo.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/06/regine-sulutera-daw-inagawan-ng-trono-si-momshie-karla-sa-magandang-buhay/">https://balita.net.ph/2022/04/06/regine-sulutera-daw-inagawan-ng-trono-si-momshie-karla-sa-magandang-buhay/
Bagama't nakasungkit ng puwesto ang Tingog, hindi naman napabilang si Karla sa mga mauupo dahil hanggang dalawang seats lamang ang na-secure para dito.
Gayunman, minabuti na rin ni Karla na tuluyan nang magpaalam sa Magandang Buhay upang magpokus umano sa pagtulong sa Tingog.
Pansamantalang naging guest co-host ang aktres na si Judy Ann Santos nang lumipad pa-Amerika si Regine para sa concert tour nila ni Megastar Sharon Cuneta.
Hulyo nang pormal at opisyal nang magpaalam si Karla sa morning talk show, sa huli at espesyal na episode para sa kaniya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/25/karla-estrada-opisyal-nang-di-babalik-sa-magandang-buhay/">https://balita.net.ph/2022/06/25/karla-estrada-opisyal-nang-di-babalik-sa-magandang-buhay/
Ngayong Lunes, Agosto 8, pormal na ngang ipinakilala si Regine bilang opisyal na momshie host ng morning talk show.
Tinawag ang kanilang trio na "JOREME" o Jolina, Regine, at Melai, halaw sa "DOREMI" noon nina Regine kasama sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco.
Umani naman ng magagandang feedback mula sa mga netizen ang pagiging opisyal na momshie host ni Chona.
Bukod sa Magandang Buhay, may "Idol Philippines" at "ASAP Natin 'To" pa ang Asia's Songbird.