Pumalo na sa 2.99 milyong Pinoy ang walang trabaho matapos maitala sa anim na porsyento ang unemployment rate sa bansa nitong Hunyo.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot sa 2.93 milyong tambay ang naitala nitong Mayo, mas mababa kumpara sa 3.77 milyon o katumbas ng 7.7 porsyentong labor force ng Pilipinas sa kaparehong panahon noong 2021.
Nasa 94 porsyento naman ang employment rate ng bansa sa Hunyo o katumbas ng 46.59 milyon.
Sinabi ng PSA na kapareho ito ng employment rate nitong Mayo na nasa 94 porsyento, bahagyang mataassa 92.3 porsyento (45.08 milyon) noong Hunyo 2021.
Naitala naman ng PSA sa 12.6 porsyento ang underemployment o 'yung may trabaho na hindi sapat ang kita, na katumbas ng 5.89 milyon nitong Hunyo.
Binanggit na mababa ang naturang bilang kumpara sa 14.5 porsyento o 6.67 milyon noong Mayo at 14.2 porsyento (6.41 milyon) noong Hunyo 2021.
Idinagdag pa ng PSA na bumabangon na ang ekonomiya ng bansa dahil na rin sa unti-unting pagdami ng trabaho.