Tumaas pa ang bilang ng kaso ng dengue sa Quezon City, ayon sa pahayag ng City Health Office nitong Lunes, Agosto 8.

Sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), umabot na sa 1,280 ang kaso ng sakit mula Enero hanggang Hulyo 28 ng taon.

Ang naturang bilang ay lagpas pa sa doble kumpara sa naitalang 525 na kaso sa kaparehong panahon noong 2021.

Sinabi ng CESU na lumobo ang kaso ng 129.80 porsyento kumpara sa datos nitong nakaraang taon.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Bukod pa ito sa pitong binawian ng buhay sa sakit.

“We are seeing a rise in cases in our city, not just of Covid-19 but also of dengue so we are encouraging our residents to get tested so they can seek consultation and start treatment early,” paliwanag naman ni City Mayor Joy Belmonte sa panayam sa telebisyon.

"Prevention is better than cure. We cannot address this alone and we highly encourage our residents to take part in helping the community, in their own way, to prevent the rising cases of dengue. Let us help our community so you can also protect your own family,” anito.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni CESU officer-in-charge Dr. Esperanza Arias ang mga residente na magpakonsulta na sa pinakamalapit na health center sakaling makaramdam ng lagnat ang kanilang anak.

Babala pa ni Arias, ang ilang sintomas ng dengue ay kahalintulad din ng Covid-19.

Kabilang sa sintomas ng dengue ay pagkakaroon ng lagnat simula dalawa hanggang isang linggo, pananakit ng ulo, panghihina, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, pananakit ng mata, kawalan ng gana sa pagkain, pagduduwal, ubo, kapaguran, at pagkawala ng panlasa at pang-amoy.