Nagpakawala ng buwelta ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap laban sa mga historian, na nasaling sa kaniyang pahayag sa panayam ni King of Talk Boy Abunda na para sa kaniya, lahat ay maaaring maging historyador at hindi ito maituturing na isang propesyon.

"Sa tingin ko, lahat ng tao naman ay historian eh. Sa palagay ko, lahat tayo, may pinanghahawakan sa kasaysayan, at may iba-iba tayong tingin sa kasaysayan. Hindi kayang ikulong ng libro o ng isang panulat o ng isang historian ang sa palagay mo’y nangyari," aniya.

"I don't believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interpretation, ‘yun ang hindi ko matatanggap," dagdag pa.

Bagay na pinalagan naman ng historyador na si Xiao Chua.

Tsika at Intriga

Joshua, Elisse inurirat ng netizens tungkol sa pagmo-MOMOL nila

"Being a historian SHOULD not be a profession?" panimula ni Chua sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Agosto 4.

"I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you," dagdag pa niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/historian-xiao-chua-kay-darryl-yap-i-will-give-my-middle-finger-to-you/">https://balita.net.ph/2022/08/05/historian-xiao-chua-kay-darryl-yap-i-will-give-my-middle-finger-to-you/

Gumanti naman ng banat si Yap. Hindi na raw niya kailangan ng karagdagang middle finger dahil mayroon pa siyang dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/06/darryl-yap-sinagot-si-xiao-chua-di-ko-kailangan-kasi-2-pa-rin-naman-ang-middle-finger-ko/">https://balita.net.ph/2022/08/06/darryl-yap-sinagot-si-xiao-chua-di-ko-kailangan-kasi-2-pa-rin-naman-ang-middle-finger-ko/

Sa panibagong Facebook post nitong Agosto 7, muli siyang nagpakawala ng pasaring sa mga historian. Aniya, ginagamit daw ng ibang historyador ang kanilang propesyon upang "himurin ang puwet" ng kanilang "panginoon".

"Bago n'yo ko utusang irespeto ang pagiging historiador n'yo, respetuhin n'yo muna ang propesyon n'yo. Wag n'yo gamitin 'yan sa paghimod ng puwet ng mga pinanginoon n'yo."

Hindi naman siya nagbanggit kung sinong historyador ang kaniyang tinutukoy.