Habang nagpapatuloy pa rin ang pagpapalabas sa dalawang kontobersyal na pelikula, pinagsarhan na raw umano ng mga sinehan ang “Katips” ayon sa showbiz commentator na si Cristy Fermin.

“Literal pong pinakain ng alikabok ng “Maid in Malacañang” ang “Katips.” Alam ng producer na ‘to na si Atty. Vince Tañada na kapag hindi nila naabot ang kita ng sinehan may babayaran silang minimum guarantee. Meron o walang tao magbabayad sila ng sinehan,” sabi ni Fermin sa kaniyang programa sa radyo at YouTube nitong Lunes.

“Kumpirmado na po dahil may mga may-ari na ng mga mall ang nagsabi na talagang hindi na po silang binook sa mga branches sa iba’t ibang probinsya,” dagdag niya habang sinabing iwasan na raw ang magpadding upang hindi rin maalarma sa oras na singilin ng Bureau of Internal Revenue.

Nitong Lunes, ayon sa ulat ng Viva Films, umabot na sa mahigit P140-M ang gross income ng pelikula sa takilya.

Nico Locco, handang mag-live selling ng mga panindang underwear

Sa paglalarawan ni Fermin, “napakaputla” aniya ang “Katips” kung ikukumpara sa “Maid in Malacañang.”

“Talagang pinakain ng alikabok sobra,” anang host.

Basahin: ‘Sobrang lakas namin!’ Mga nanood ng Katips, tunay at ‘organic’, pagmamalaki ni Atty. Vince – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito’y taliwas sa pahayag ni Tañada sa isang panayam sa radyo nitong Linggo na malakas din ang tugon ng tao sa kanilang materyal sa takilya.

Makikita rin sa kaniyang serye ng mga Facebook shared posts ang mga nagpapahayag ng kanilang rebyu sa "Katips."

Aniya pa, “organic” ang mga nanood ng kanilang materyal.

“Ang lakas! Sobrang lakas namin. Nakakatuwa dahil noong unang araw pa lang namin sold-out na kami doon sa mga prime SM Malls…” masayang pagbabalita ni Tañada.

“Dapat Aug 3 and 4 lang kami magpapalabas yung lang ang binigay ng SM sa amin kaya lang ngayon na-extend tayo hanggang may manonood daw talagang ipapalabas ang ‘Katips’ …talagang organic ‘tong nagpupuntahang mga tao sa mga sinehan,”anang director.