Dadagdagan ng pamahalaan ang allowance ng mga gurong magsisilbing poll watcher, ayon sa pahayag ng Commission on Election (Comelec) nitong Lunes, Agosto 8.

“Nakikiusap tayo sa ating mga guro, ang inyong Commission on Elections po ay gagawa ng lahat ng paraan, naintindihan po namin ang inyong nararamdaman, gagawin po namin ang lahat ng paraan, ito po’y amin nang obligasyon sa kasalukuyan, upang kahit paano naý maibsan 'yung inyong paghihirap sa araw po ng halalan,” paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam sa telebisyon.

Ang pahayag ng Comelec ay tugon sa pahayag ng ilang grupo ng mga guro na hindi na sila magtatrabahosa halalan dahil binubuwisan ang kanilang honoraria at allowance.

Ilang guro na ang nagsabing hindi na lang sila magtatrabaho sa eleksyon ngayong bubuwisan na ang kanilang honoraria at allowances.Aniya, pag-uusapan na nila sa Comelec kung magkano ang idadagdag sa allowance ng mga guro.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Kamakailan, nagpahayag ng pagkadismaya ang mga guro kasunod ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa panukalang huwag nang kaltasan ng buwis ang tatanggaping honoraria at allowance sa pagsisilbi nila sa eleksyon.

Gayunman, inihayag ni Marcos na maaari pa ring mabigyan ng ayuda ang mga gurong magsisilbi sa halalan.