Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroong matatanggal na dalawang milyong kawani ng gobyerno.

Ito ay kasunod ng National Government Rightsizing Program (NGRP) bill na iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa una niyang State of the Nation Address (SONA) kamakailan.

Sa ika-122 Philippine Civil Service anniversary, nilinaw ni DBM Spokesperson Secretary Goddes Hope Libiran na ang rightsizing at hindi downsizing.

Paliwanag ni Libiran, sakaling maipasa ang panukalang NGRP bill, mabibigyan si Marcos ng kapagyariham na pag-aralan ang burukrasya at hawakan ang operasyon ng departamento at ahensya.

National

37.84% examinees, pasado sa 2024 Bar Examinations – SC

Kabilang sa maaapektuhan ay ang 187 na ahensya ng gobyerno kabilang dito ang 26 na departamento.

Iginiit pa ng opisyal na walang pipilitin na magretiro o magbitiw sa trabaho kapag isinulong na ang NGRP.

Sakali naman na hindi tanggapin ng isang empleyado ng gobyerno ang iniaalok na retirement o separation, isasailalim umano ito sa pagsasanay upang pakinabangan sa ibang ahensya o tanggapan ng gobyerno na paglilipatan sa kanya.

Hindi naman kasama sa NGRP ang mga government financial institution, legislative branch, judiciary branch, Office of the Ombudsman at constitutional commission.

Magiging optional naman ang pagpapatupad ng NGRP para sa mga lokal na pamahalaan.