Nagpaliwanag na ang aktres na si CJ Jaravata sa viral photo nila ng mag-asawang Doug at Cheska Garcia-Kramer kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Binigyang-malisya at napagkatuwaan ng mga netizen ang litrato kung saan makikitang nakakapit si CJ sa bicep ni Doug, at kitang-kita naman at nahagip sa camera si Cheska na nakatingin dito. Ito ay makikita naman sa birthday greetings ni CJ para kay Cheska, sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 24.

"Happy birthday Sis! @chekakramer. Love you to the moon and back. I'm so proud of you. You deserve every good thing that comes to you today and beyond. Sending you infinite amount of love and happiness on your birthday! May God bless this day with more love than your heart can hold & may God continue to bless you abundantly and may he grant your heart’s greatest desire. Let’s Celebrate soon. Big hug and big kiss," saad ni CJ sa caption.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Makikita sa kalakip na litrato ang iba pa nilang kaibigan, kabilang sina Anne Curtis and Danica Sotto.

Napagdiskitahan ito ng mga netizen at sinabing baka may pagkakaibigang masira dahil dito.

"Naku, lagot! Iba yung tingin ni Cheska eh…"

"OMG literal na makuha ka sa tingin!"

"Bakit naman kasi ang clingy hahaha, nasa harapan pa naman ang misis."

"Patay ka ngayon kay Cheska Garcia-Kramer."

Nakapanayam ni Ogie si CJ sa entertainment vlog niyang "Ogie Diaz Showbiz Update".

"Meron isang picture kung saan si Cheska Kramer ay hindi nakatingin doon sa camera, bagkus, nakatingin siya, parang nakatingin siya kay Doug Kramer na clingy-clingy sa kaniya si CJ Jaravata. Kaya parang merong mga netizen na nagko-comment na, 'Naku, last mo na 'yan,' 'Nako, mukhang away ito,'" sey ni Ogie Diaz.

Nilinaw ni CJ na may asawa na siya at wala siyang balak na landiin si Doug. Huwag daw sana itong bigyan ng malisya.

"Ang story po niyan, we were doing a get-together because ikakasal po ako at lilipad po ako sa El Nido for my wedding sa November 20. So kasal na po ako, guys, so wala po akong balak landiin si Doug or anything like that."

"Wala pong malisya ang aking paghawak sa kaniyang braso. Nang pinost ko po yung photo na yun, na-carousel post, it's a birthday greeting post sa Instagram na ni-repost ko sa Facebook," ani CJ.

Wala naman daw masamang sinabi si Cheska laban sa kaniya pagkatapos makunan ang naturang litrato.

"In fact, nag-reply pa nga si Cheska doon sa post ko na yun na, 'Thank you sis! I love you!' Hindi naman magte-thank you at mag-I love you sa akin si Cheska kung galit siya sa akin. Cheska's not plastic, sobrang genuine na tao niyan. Super genuine, that's one thing I love about her."

Matalik umano niyang kaibigan si Cheska at parang kapatid ang turing niya kay Doug. Sa katunayan, siya pa nga ang maid of honor sa naging kasal nila.

"Si Cheska po is actually one of my best friends, I'm the maid of honor sa wedding nila ni Douglas. My gosh, ang tagal na ng wedding nila, in fact nag-renewal of vows na sila and I was there also. I'm super close to both of them and since Cheska is a sister to me, Douglas is a dear brother to me," paliwanag ni CJ.

"Malinaw na po 'yan ha? Sila po ay malalalim ang friendship nila sa isa't isa, huwag na nating gatungan at intrigahin," giit naman ni Ogie.

Ikinasal sina Doug at Cheska noon pang 2008 at biniyayaan sila ng tatlong anak: sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at Gavin Phoenix.