KAMPO HEN. PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna -- Arestado ang dalawangsuspek na isa ay menor-de-edad sa ikinasangbuy-bust operation ng Calamba City Police Station nitong Linggo.

Kinilala ni Colonel Cecilio Ison Jr., Laguna police director ang isa sa mga suspek na si Joemari Casaje Atienza, binata at residente ng Brgy. Paciano, Calamba City Laguna at isang menor-de-edad na hindi pinangalanan.

Ang Calamba City Police Station ay nagkasa ng buy bust operation at nahuli sa akto ang mga suspek matapos magbenta ng marijuana sa pulis-Calamba na nagpanggap na parokyano.

Anim na paketena nakalagay sa plastic na tumitimbang ng 510 gramo ang nakumpiska kasama ang ginamit na marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang mga naarestong suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng Calamba City PNP para sampahan ng kasong violation of R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ang mga nakumpiskangebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory Office for forensic examination, gayung, ang menor-de-edad ay dadalhin sa City Social Welfare and Development Office.