Usap-usapan ngayon sa social media ang panonood umano ng ‘Katips’ lead star na si Jerome Ponce ng ‘Maid in Malacañang.' Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na magkatunggali ang dalawang pelikula.

Kasama umano manood ni Jerome ang kaniyang girlfriend na si Sachzna Laparan na isa rin sa mga cast ng 'Katips' at ang ina nitong si Christine Laparan Policarpio.

"Iyak tawa! Sobrang ganda ng MiM wala akong masabi sa Darryl Yap namaga ang mata ko at grabe yung totoong MGA MAID SILA ANG TOTOONG BIDA! Bidang bida hahaha! And of course thank you Joseph Jerome Porciuncula sa pag sama," saad ng ina ni Sachzna sa isang Facebook post nitong Biyernes, Agosto 5.

Kalakip ng naturang post ang kanilang selfie kasama ang poster ng 'Maid ng Malacañang.'

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Samantala, ipinost ng 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap ang screenshot ng post ni Christine at nagpasalamat sa dalawang artista.

"Salamat sa panonood Sachzna Laparan at Jerome Ponce, parehas artista sa pelikulang katips," sey ni Darryl.

Kaugnay nito, trending topic sa Twitter ang aktor dahil sa paglalabas ng saloobin ng mga netizen.

As of writing, mayroon nang 1,403 tweets ang pangalan ni Jerome.

"Kadiri ka jerome ponce lol. Des3rve naman palang madepress ni Sachzna before lol hahahahahaahhaa sana nagkatotoo anxiety mo dzai hindi lang for the clout. ganyan naramdaman ng mga biktima ng martial law."

"tf jerome ponce. i've never been betrayed my entire life"

"dapat pala tinanggap na lang ni vance larena ang role. at sayo naman jerome ponce, alam mo naman sa sarili mong apologist ka. bakit mo tinanggap yung role? wala ka bang reading comprehension o wala ka lang respeto sa mga naging biktima noong martial law? tanga ka?"

"kadiri naman jerome ponce"

"hindi ka na nahiya jerome ponce shutacca????"

"Gago nung Jerome Ponce no? Kadiri. Hays."

"mukang na can’t say no challenge si jerome ponce ah"

"jerome ponce the cheater and apologist lmao pick a struggle sis"

"hoping the jerome ponce thing right now will serve as a warning for film producers to know their actors before giving them such roles because"

"YUCK jerome ponce and whoever your girlfriend is"

"If only Vance Larena accepted the offer of starring in Katips, we wouldn't have to watch the 2faced prick named Jerome Ponce"

"Sachzna stirred all the hate towards Jerome Ponce for watching MiM. The unthinking biatch didnt realize that posting the pic will put Jerome in a bad light. Tinunaw ng gluta ung utak. Puro ganda na wala nang substance. Isip-isip din minsan girl, kaya ka napapa-tulfo e."

"nagbago na isip ko. di na pala pogi si jerome ponce eww"

"Nung nanuod kami ng #Katips, hindi ko na agad nagustuhan ang acting ni Jerome Ponce. Throughout the movie tbh. Same goes sa jowa niya. Syempre sa una sabihin na lang natin, "at least, andoon sila kasi alam nila yung katotohanan" Puta sabay apologist pala sila. Hayop."

"isang malaking EWWW YUCCCKKK sainyo, Jerome Ponce at Sachzna! Give us nothing."

"You’re the main lead of the film that tackles the lives of the martial law victims, yet in reality you supported the film of the family that justifies that? Ironic. Time to unfollow Jerome Ponce for being an enabler."

Samantala, habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang kampo ni Jerome at ni Sachzna.