Nagpapatuloy sa kaniyang gamutan si Manay Lolit Solis base na rin sa ilang serye ng kanilang Instagram updates.

Nitong Biyernes, ibinahagi ng talent manager ang pagsailalim niya ng dialysis na tatakbo hanggang apat na oras at dalawang beses sa isang linggo.

“Talagang dusa ito, pero ano magagawa ko, ito ang desisyon ng mga doktor ko. At alam mo ba na heto daw ay gagawin ko na forever,” saad ng 75-anyos na celebrity host.

“Bongga sila, hindi nila alam na bait-baitan school of acting lang ako, hahhah at pag na- horror mood ako, sure ako ayaw na nila ako maging member ng dialysis club,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pag-amin naman ni Manay Lolit, nakakairita aniya ang dialysis,

“Ang tagal-tagal at inip na inip na ako,” sey niya.

Sunod na napagbuntungan na naman ng atensyon ang paborito niyang si Kapuso actress Bea Alonzo.

“Buti na lang naisip ko mag IG para mawala inis ko. Naku, pag nandito si Bea Alonzo sure ako na maaliw ako, dahil titignan ko ng close up ang mga wrinkles sa face para malaman ko kung iyon nga ang cause ng ghosting hahaha,” pilyang saad ni Manay.

Hindi man ibinahagi ng batikang entertainment columnist ang eksaktong karamdaman nito ay tila isang open secret sa publiko ang patuloy niyang medikasyon.

Basahin: Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nanawagan ang celebrity host na ipagdasal ang kaniyang agarang paggaling.

Si Manay Lolit ay ilang dekada nang kilalang celebrity personality sa Philippine showbiz. Siya ay nagsilbing host sa ilang programa sa telebisyon.