Kasunod ng pamamaalam ni Karla Estrada sa programa limang taon mula nang unang umere ito, isang dagdag na official host ang makakasama at kukumpleto sa morning chikahan.

Sa Lunes, Agosto 8, ibabahagi na ng “Magandang Buhay” ang panibagong official momshie nito na makakasama nina Momshie Jolina at Momshie Melai.

Isang teaser naman ang makikita sa Instagram update ng ABS-CBN nitong Biyernes.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Noong kasagsagan ng kampanya, matatandaang pansamantalang iniwan ni Karla ang programa nang tumakbo siya bilang nominee ng isang party-list.

Dahil dito, si Asia's Songbird Regine Velasquez na ang pansamantalang nakasama ng mga orihinal na host. Kamakailan ay napanuod din si Judy Ann Santos nang mag-concert sa Amerika ang Kapamilya singer.

Noong Hulyo, opisyal nang nagpaalam sa programa si Karla.