Nag-iisip-isip na umano ang award-winning director-writer na si Vince Tañada kung sasampahan ba niya ng kaso si Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia, dahil umano sa mga malisyosong ipino-post nito sa social media, kaugnay sa kaniya at sa pelikulang "Katips", lalo na nang manalo ito at humakot ng mga parangal sa 70th FAMAS.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/">https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/

Matatandaang nag-post si Juliana na babatiin sana niya ang direktor pero pinag-iisipan pa niya kung gagawin niya. Kalakip nito ang ilang screengrab sa Facebook ng mga akusasyong malapit ang direktor sa mga taga-FAMAS, at naging direktor pa mismo ito ng awards night noong 2021.

Tinawag pa itong "pa-victim na pelikula" ng komedyante.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!” mababasa sa Facebook post ni Juliana.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-may-patutsada-sa-direktor-na-humakot-ng-awards-sa-famas-pelikulang-pa-victim/">https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-may-patutsada-sa-direktor-na-humakot-ng-awards-sa-famas-pelikulang-pa-victim/

Sa naging panayam ng DZRH at naisulat din sa Philippine Entertainment Portal o PEP sa direktor, hindi umano ito nagustuhan ni Tañada. Sana raw ay magkaroon na ng aral ang mga nagpapakalat ng pekeng impormasyon o pekeng balita.

Dahil isa ring abogado si Tañada, sumang-ayon daw ang mga kasamahan niya sa law firm na libelous ang post ni Juliana laban sa kaniya. Malinaw daw na isa itong malicious imputation at paninirang-puri lamang.

Mas naiintindihan at mapapalagpas pa raw niya ang mga sinasabi laban sa kaniya ng mismong direktor ng MiM na si Darryl Yap dahil siyempre, ito mismo ang nagsulat ng iskrip at nagdirehe ng naturang pelikula.

Kaya nagtataka ang direktor kung bakit "nakikisawsaw" ang komedyante gayong hindi naman siya bahagi ng cast.

"Pero itong si Juliana ay nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay," ani Atty. Vince.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Juliana kaugnay nito.