Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, co-host na si Morly Alinio, at guest co-host na si Wendell Alvarez sa "Showbiz Now Na", ay ang kalagayan ni Queen of All Media Kris Aquino habang nagpapagaling umano sa abroad.

Bago talakayin ito, naungkat pa ni Cristy ang "sama ng loob" ni Wendell kay Kris noon tungkol sa pag-ayaw ng Queen of All Media na makasama ito sa isang panayam, at ang nais lamang ay si Cristy.

Anyway, ayon sa chikang nakalap nila ay 'reklamador' daw si Kris sa mga ginagawa ng mga doktor sa kaniya sa Houston, Texas kung saan ito nagpapagamot. Giit naman ni Cristy, kahit noong nasa Pilipinas pa si Krissy ay marami na raw kuwentong naririnig-rinig tungkol sa mga reklamo aniya nito.

Ngayon po, unti-unti nang naglalabasan yung… si Kris daw po, kapag pinapayuhan ng mga doktor, kinokontra. Kinukuwestyon kung para sa'n 'yon, para kanino, bakit… natural lamang po 'yon, katawan naman niya 'yon. Pero 'di ba ang mga doktor, nao-offend naman kapag gano'n," sey ni Cristy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Segunda naman ni Morly, "Parang naiinsulto ang mga doktor dahil alam nila kung ano ang gagawin at ilalagay sa'yo. Hindi ka na kailangang magtanong, Ate Cristy, kasi nasa ospital ka na eh. Pumirma ka na doon…"

"Tama at ipinaubaya mo na ang sarili mo…" pagsang-ayon naman ni Cristy.

Naniniwala ang showbiz columnist na may hangganan din naman ang pagkuwestyon sa mga doktor kung ano ang mga gamot na inilalagay sa kaniyang katawan. Puwede naman daw magtanong sa espesyalista sa pinakamagandang paraang magagawa.

"Yung pagiging nice mo ay sana nailabas mo na roon, hindi yung "Oh, what is that..' 'What is the purpose of that'… parang ganyan na nagsusungit," sey ni Morly. "Dapat kapag may sakit ka, ikaw na yung pinakamabait sa lahat, kasi may sakit nga eh…"

Naibahagi pa ni Morly na ayon sa mga naririnig-rinig niya, karamihan daw sa mga doktor na umasikaso kay Kris ay naiirita na sa kaniya.

Pagtatanggol naman ni Cristy, marahil daw ay iritable na rin si Kris dahil sa kaniyang nararamdamang sakit. Pero ang sinasabi nga raw, kikilos lamang ang mga doktor at nars batay sa kung ano ang nababasa nila sa sitwasyon. Huwag na raw sana pang kuwestyunin ang kapasidad ng mga doktor.

"Pero parang ang dating kasi Ate Cristy parang… sana maging nice siya. Maging nice siya sa lahat ng mga doktor doon, na huwag na siyang magtaray, na Kris Aquino ka, na ikaw ay anak ng dating presidente, tama na… kasi may sakit ka," dagdag pa ni Morly.

Sana nga raw ay hindi ito totoo at tsika lamang . Hangad daw ni Morly ang katahimikan ng pag-iisip ni Kris o peace of mind. Dasal daw ang alay niya para sa Queen of All Media.

Sey naman ni Cristy, hindi rin kasi talaga biro ang iniindang sakit ni Tetay, kaya sana raw ay panalangin ang i-alay sa kaniya para sa kaniyang agarang paggaling.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Kris Aquino tungkol dito.