'Now that’s the DREAM ☁️ You GO GIRL! 🔥'

Hindi maipaliwanag ng aktres na si Dimples Romana ang saya nito na nakikitang masaya at successful ang anak niyang si Callie Ahmee sa career na tinatahak nito sa pagpipiloto.

"Kaya pag pagod ka at ganito makikita mo sa umaga, Aba namaaaan! Sisipagin ka talaga magtrabaho eh," bahagi ng 'long sweet message' ni Dimples para sa kanyang anak.

Aniya, sulit na sulit ang pagod at puyat niya kasama ang asawa niyang si Boyet Ahmee dahil sa edad na 18 ay masayang-masaya ang anak niya sa pinili nitong landas.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Sulit pagod at puyat ni mommy and daddy @papaboyetonline future Capt @callieahmee Bukod sa ang ganda mong piloto (liwat sa??) you get to do this at 18 years old?? Whatttt! Aaaand most importantly my heart is filled with so much happiness seeing you smile this way! YOU ARE HAVING TONS OF FUN CHASING YOUR DREAMS and DOING WHAT YOU LOVE. Now that’s the DREAM ☁️ You GO GIRL!" anang aktress.

Pagbabahagi ni Dimples, siniguro nilang mag-asawa na pagsumikapang matiyak na ang lahat ng pangangailangan ng mga anak nila ay maibibigay nila.

Proud rin ang aktres na hindi nila pine-pressure ang anak nito sa pag-aaral at hinahayaan lamang na gawin ang kung anong magpapasaya sa kanila.

"All the many days and nights I had to be apart from them meant Ate gets to freely choose what she wants to be, and the many times I miss her from not being there because of shoots and tapings meant, Ate Cal will get to do what she loves and that is -FLYING and BECOMING A PILOT and thanks to @papaboyetonline and our home angels for making sure the kids ARE alright. I say, WORTH every tear, every sacrifice," ani Dimples.

Samantala, balik telebisyon na muli si Dimples at ibinahagi na kasalukuyang nagsho-shoot para sa isang palabas.