Ubos umano ang ticket ng isang sinehan ng mall sa BGC, Taguig sa para sa pelikulang "Katips" ng award-winning director at writer na si Atty. Vince Tañada, saad ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ayon sa kaniyang tweet nitong hapon ng Agosto 3.

Ibinahagi ng Kakampink na dating komisyuner ang litrato nila ni Atty. Vince.

"KATIPS is sold out in SM Aura. With FAMAS awardee Direk Vince Tañada. #KatipsTheMovie," saad ni Guanzon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1554736036680327168

Ibinahagi naman sa comment section na sold out na nga ang 6:35PM slot para sa Katips, at napupuno na ang 9:30PM.

"Hi! As of this writing, the 6:35PM showing for #KatipsTheMovie is already sold out. The 9:30PM screening is slowly running out of seats," ayon sa tweet na may kalakip na 'resibo'.

Flinex din ni Guanzon ang larawan nila ng isa sa mga cast member nito na si Nicole Laurel Asensio, na gumanap sa pelikula bilang si "Lara".

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1554737057930457088

Matatandaang hinikayat ni Guanzon ang publiko na panoorin ang Katips. Ilang beses ding nagkaparinigan at nagbardagulan sa social media sina Guanzon at ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Direk Darryl Yap.

Sa isang panayam naman ng "Cristy Ferminute", inamin ni Atty. Vince na hindi naman niya hangad na kumita ang pelikula; ang nais lamang niya ay mapanood ito ng marami bilang isang pelikula sa mga sinehan. Halaw kasi ito sa kaniyang award-winning stageplay. Talagang pinag-ipunan daw niya ito mula sa katas ng kaniyang pagiging abogado.