Tumaas na ang presyo ng asukal sa ilang pamilihan sa Metro Manila bunsod umano ng kakulangan ng suplay nito.

Ikinatwiran ni Sugar Regulatory Administration (SRA) chiefHermenegildo Serafica, mauubos na umano ang suplay ng asukal sa bansa saAgosto 19.

Ito naman ang idinadahilan ng mga negosyante upang itaas ang presyo nito sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Nagtaas ng presyo ng asukal sa ilang supermarket sa Metro Manila kung saan aabot sa₱105 ang bawat kilo ng puti nito at ang brown nito ay nasa₱75 naman kada kilo.

National

‘We are not at war!’ PH, ‘di magpapadala ng Navy warships sa WPS matapos China aggression – PBBM

Paliwanag ni Serafica,hinihintay pa nila ang suplay nito mula Negros habang pinoproseso pa ang pag-aangkat sa mga susunod na linggo.

Nauna nang idinahilan ng SRA na apektado ang mga sugar mill ng nagdaang bagyong 'Odette' na tumama sa bansa noong Disyembre 2021 at ng tag-ulan kaya humina ang produksyon nito.

"We need to import and that is the instruction of the President as a stop gap measure at this point in time," pahayag ni Serafica na nanawagan din sa mga consumer na huwag nang mag-panic buying.