Iniisyu ng ilang netizen na nagpaplastikan lamang daw ang dalawang social media influencers at parehong Kakampink na sina Sassa Gurl at AC.

Sa panahon ng nagdaang kampanya, dalawa sila sa social media influencers na aktibo sa pangangampanya para sa Leni-Kiko tandem.

Sa Twitter, may ilang mga netizen ang nag-isyung hindi raw sila close sa isa't isa at nagpaplastikan lamang.

"Sa ulo ng mga nagbabagang balita, Sassa at AC, nahuli sa cctv, close sa camera pero nagbabardagulan sa off-cam?" saad ng isang netizen.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ibinahagi pa ng isang netizen ang ganitong tweet, "[BLIND ITEM] SINETCH ITEY?! Dalawang maasim at 'sikat' na TikTokers na nagpaplastikan lang daw? Ni 'hello' at 'hi' daw wala man lang kapag nagkikita. For the snobban daw ang mga ferson! Di ko sinasabing si SG at AC to ah but since ang clue ay 'maasim' at 'TikToker,' baka sila yun."

Bagay na niretweet naman ni Sassa Gurl at kinomentuhan. Pinabulaanan niya ito at nilinaw na close talaga sila ni AC.

"Napaka-sensitive naman nakshit! Di lang nagkibuan warla na agad. Finake news naman agad! Close kami ni @itsacslife

dikit pa sa ngipin ko. shutakayo. Hahaha," saad niya sa tweet.

https://twitter.com/Itssassagurl/status/1554059600630263808

Tila sinakyan na lamang ng dalawang social media influencers ang "bardagulan". Pabiro namang nag-tweet si AC, "Teh pwede ba? sino ba sa atin ang nauunang tumalikod habang nakikipag-usap, @itssassagurl? Hirap kausap pag sensitive te ah tama na ang pagmamaasim."

https://twitter.com/ItsACsLife/status/1554421758878433280

Sinagot naman ito ni SG, "Anong di pinapansin te? Chinika kita. Dapat ba maglaplapan tayo para legit na pansinan? Hahaha i-#Listerine Total Care Sensitive mo 'yan day, nakita ko sa grocery pang-sensitive daw. Bagay sa'yo @itsacslife imumog mo 'yan."

https://twitter.com/Itssassagurl/status/1554441669101375493

Marami naman ang naaliw sa kanilang "bardagulan".

Si Sassa Gurl ay isang TikToker na nakilala sa kaniyang mga nakatutuwang hirit, at mula sa pandodogshow patungong realidad ay naging calendar model ng isang brand ng whisky noong Enero.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/15/sassa-gurl-bagong-calendar-model-ng-isang-whisky-brand/">https://balita.net.ph/2022/01/15/sassa-gurl-bagong-calendar-model-ng-isang-whisky-brand/

Mas lalo namang sumikat si AC Soriano dahil sa kaniyang panggagaya sa karakter ni Jodi Sta. Maria sa hit teleseryeng "The Broken Marriage Vow" bilang si Dra. Jill Ilustre, sa pamamagitan ng remix. Mas lalo pa niyang pinasikat ang mga linyahan ni Jodi sa serye gaya ng "Papunta pa lang tayo sa exciting part" at "Nabuntis ni David ang anak ninyo at nagpunta siya ng Amerika para ipalaglag ang bata".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/27/your-daughter-is-sleeping-with-my-husband-remix-aprub-kay-jodi-sta-maria/">https://balita.net.ph/2022/04/27/your-daughter-is-sleeping-with-my-husband-remix-aprub-kay-jodi-sta-maria/