Ibinahagi ng nalektyurang contestant ng "Miss Q&A: Kween of the Multibeks" ng noontime show na "It's Showtime" na si Dimples Ruiz na matapos ang show ay agad siyang sinadya ni Unkabogable Star Vice Ganda para magbigay ng ilang comforting words.

"Thanks Meme Vice sa pag-comfort po sa akin after ng pagkakamali ko…Talagang sinadya n'yo pa po ako puntahan sa Dressing Room to comfort me… napakabuti mo pong tao.. sorry po ulit…" saad sa caption ng kaniyang Facebook post kahapon ng Martes, Agosto 2.

Kalakip nito ang selfie nila ng Unkabogable Star.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sa isang hiwalay na Facebook post ay muling humingi ng paumanhin si Dimples.

"I'm really sorry for what just happened. I didn't mean it… Gusto ko lang po magpasaya pero nakatapak po pala ako ng may mga kapansanan."

"Hindi ko po sinasadya… I'm really sorry po."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Well, on national tv bawal talaga siya i-act o gumamit ng ganun but in real life kahit saan ka magpunta kahit hindi mo mapanood o marinig sa tv meron at meron pa rin talagang mga taong ganun ang way ng pagpapasaya nang hindi naman sinasadya… pero kudos pa rin sa iyo kasi nagpakumbaba ka."

"Kailangan nasa lugar din ang pagpapatawa girl…"

"Offensive talaga 'yun lalo na sa mga puwedeng ma-offend, next time be sensitive na lang para doon sa mga taong may pinagdadaanan katulad ng ganoong sitwasyon."

"Lahat ng first time, hindi perfect… anuman ang nangyari ok lang 'yan.. At least pinalad ka makatungtong diyan… hindi lahat napipili… No worries ginawa mo lang part mo as a comedian… hindi mo sinasadya 'yun alam naming lahat.. Still proud pa rin kami sa iyo."

Marami rin naman ang pumuri sa ginawa ni Vice Ganda dahil naayos at na-handle daw niya ito nang matalino at maayos.

Matatandaang gumamit ng mga salitang "ngongo" at "mongoloid" ang kalahok sa kaniyang introduction.

"Akala n'yo ngongo ako… mongoloid kaya ako…"

Kapansin-pansing walang natawa sa kaniyang biro at tila nawaley ang madlang pipol sa kaniyang hirit.

Naging maagap naman si Vice Ganda at pinagsabihan si Dimples.

"Hoy hindi 'yan ang intro mo no'ng rehearsal ah," sey ni Meme Vice.

Nang lumakad na ang kalahok, nagsalita na ang TV host-comedian. Inunahan na niya ang lahat, bago pa sila ma-bash.

"Now, we would like to inform everyone that the views, the opinions, the words of the candidates do not necessarily reflect the views, and the opinions of the hosts, the show, and the network."

"In behalf of candidate number 3, ngayon pa lang ay humihingi na kami ng paumanhin sa mga maaaring… ahhh… na-offend… lalo na sa paggamit ng mga salitang 'ngongo' at 'mongoloid'."

"Hindi na natin ito ginagamit… hoy, aminin mo, hindi 'yon ang ginamit mo sa intro," giit ni Meme Vice sa kalahok.

"So we apologize. So… paano 'to?" basag ni Vice sa nakabibinging katahimikan sa studio. Naging maagap naman sina Jhong at Vhong na muling maibalik sa sigla ang atmospera at 'ika nga ay "the show must go on".

Pabirong hirit pa ni Vice kay Dimples Ruiz, "Padala ka ba ng kalaban? Bakit mo ginawa 'yon? Ang ganda na nang simula namin eh…

Muling naglitanya si Vice tungkol sa mga salitang hindi na ginagamit sa kasalukuyan, lalo na kapag nagbibitiw ng mga biro o punchlines.

"May mga salitang hindi na angkop o katanggap-tanggap… hindi na politically correct yung terms… saka may mga bagay na hindi puwedeng sabihin sa telebisyon," paalala ni Vice.

"Dapat maging sensitive tayo," sundot naman ni Vhong.

Idinagdag naman ni Jhong na hindi ganoon ang intro ng kalahok nang magsagawa sila ng rehearsal bago ang show. Kung iyon daw ang sinabi ng kalahok sa rehearsal, malamang ay hindi siya papayagan ng mga staff ng It's Showtime.

"Dahil diyan, talo ka na…" biro ni Vice.

Mapagkumbaba at naiiyak namang humingi kaagad ng paumanhin si Dimples sa kaniyang ginawa. Inamin nitong dinagdag lamang niya ang mga salitang "ngongo" at "mongoloid" sa kaniyang introduction.

"I am really sorry po, I didn't mean it, gusto ko lang pong magbigay ng kasiyahan, ahm, hindi ko po sinasadya…" emosyunal na pahayag ni Ruiz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/03/vice-ganda-maagap-na-tinama-at-pinagsabihan-ang-isang-miss-qa-contestant-dahil-sa-intro/">https://balita.net.ph/2022/08/03/vice-ganda-maagap-na-tinama-at-pinagsabihan-ang-isang-miss-qa-contestant-dahil-sa-intro/