Nagpasaring ang isa sa mga cast member ng pelikulang 'Katips' at itinanghal na Best Supporting Actor ng 70th FAMAS na si Johnrey Rivas sa pasaring ni "Miss Q&A" Grand Winner Juliana Parizcova Segovia, nang paghambingin nito ang sitwasyon ng pila sa kanilang pelikula at sa " Maid in Malacañang".

"Ah ok," caption ni Juliana. Ang naturang mga larawan ay kuha umano sa isang sinehan ng mall sa Quezon City.

Hindi na nakapagtimpi pa si Rivas at nagbigay ng reaksiyon tungkol dito.

"Ngayon lang ako magsasalita," panimula ni Rivas.

Tsika at Intriga

'Medyo friendly ako!' John Estrada, 'di alam bakit habulin siya

"Hi Babe Juliana Parizcova Segovia, Paano walang nakapila eh magkaiba ng timeslot yan? 😅"

Sinita rin ni Rivas ang umano'y suot na uniporme ng mga taga-sinehan, na t-shirt daw ng MiM.

"My friends and family. Tanong ko lang din po. Bakit ang uniform ng buong Cinemas sa lahat ng bansa ay MIM? Hahaha daming pera ha. Sorry mahirap lang po kami. Pasensiya na po. Kayo na po Blockbuster! Labyu! Mim!"

"Pero kahit na mabardagul po kayo, salamat pa rin dahil buhay ang pelikulang Pilipino! #KatipsTheMovie #KatipsMovie," aniya.

Wala pang reaksiyon o tugon si Juliana tungkol dito.