Ibinahagi ng actor-social media personality na si Rob Moya ang nangyaring "pagtiklop" niya sa jowa ng dating karelasyong si Toni Fowler na si Tito Vince, nang "mahuli ka, balbon" siya nitong china-chat pa ang ex.

Sinabi ni Rob kay Toni na "Mommy, parang mahal pa yata kita", gabi ng Lunes, Agosto 1.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maya-maya ay tumugon naman si Toni, subalit si Vince pala ito.

"Ano na naman sinasabi mo Kuya Rob?"

"Si Vince 'to."

"Tulog na si jowa."

Bilang palusot, kunwari ay "chain letter" lamang ito na madalas na nangyayari sa Facebook.

"Ipasa sa 25 na katao para swertihin ka! Subukan mo lang wala naman mawawala."

Sa caption ng kaniyang Facebook post, sinabi ni Rob na "Huwag na babalik sa ex… bad yun…"

Sa isa pang hiwalay na Facebook post ay makikitang muling nag-chat si Rob kay Toni. Tinawag niyang "mommy" at "asawa ko" ang ex.

May tumugon naman subalit mahihinuhang si Tito Vince ulit ito.

"Eto may sakit si JOWA ko nagpapahinga," sey ni Tito Vince gamit ang account ni Toni Fowler. Kapansin-pansing naka-all caps ang salitang jowa.

"Ay sensya na ikaw pala 'yan hehe… ingat kayo dami may sakit ngayon," sey ni Rob.

"Oo ako 'to at wala ng iba pa Kuya Rob. Oo nga eh uso talaga sakit ngayon. Ikaw mag-iingat ka Kuya Rob uminom kang vitamins," paalala ni Tito Vince kay Rob.

"Sweet mo naman Tito Vince…" tugon naman ng dating aktor.

Bandang dulo ay bumanat na si Tito Vince.

"Siyempre naman. Kasi maraming may sakit ngayon gagaling sila pero yung ubo mo sa utak hindi na gagaling HAHAHAHAHAHAHA. JOKE LANG KUYA ROB LABYU."

Sa isa pang Facebook post, makikitang nag-chat ulit si Rob kay Toni subalit isang malutong na mura ang natanggap niya.

Matatandaang on and off ang naging relasyon nina Toni at Rob, hanggang sa mag-propose na nga nang tuluyan si Tito Vince. Tinanggap naman ito ni Toni.