Patuloy na nakatatanggap ng malisyusong mga pambabatikos si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi dahilan para makiusap na ito sa kaniyang fans.

Bagaman laging tampulan ang mga beauty queen ng matinding pambabatikos lalo na ang mga titleholder, nais na lang dedmahin ni Celeste ang mga ito at sa halip ay nais na lang pagtuunan ng pansin ng Pinay queen ang pagpapalaganap ng kabutihan sa pamamagitan ng #kindesscampaign.

Sa isang Instagram story, Miyerkules, malinaw na nakiusap ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon.

“And again, people keep tagging me in edited photos of me, insults, and threats. I have seen quite a lot just today and now before going to sleep.”

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Dagdag niya, “After the talk we had last week, I was hoping that this unnecessary cyberbullying would somehow stop or lessen.”

Tinutukoy ni Celeste ang naganap na online discussion ukol sa cyberbullying sa pangunguna ng Miss Universe organization, kung saan nakasama niya si Miss Indonesia Laksmi De Neefe Suardana.

Napag-usapan sa online talk ang kani-kanilang mga karanasan sa usapin at paanong tutugunan ito.

Muling paghihikayat ni Celeste, “I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me then simply use the hashtag #kindnesscampaign.”

“Let’s not engage with any form of hate,” dagdag niya.