Nadiskubre ng mga residente ang isang bomba at apat pang pampasabog na pinaniniwalaang ginamit pa noong World War II, sa Gattaran, Cagayan nitong Martes.

Sa imbestigasyon ni Gattaran Municipal Police investigator Master Sgt. Edgar Mandac, ang nabanggit na bomba ay natagpuan ng isang residente sa isang abandonadong bahay saZone 2, Barangay Takiki nitong Agosto 2 ng umaga.

“Itong residente ay nagpapastol ng baka niya nang makita niya iyong vintage bomb. Parang ruin na bahay, basta matagal nang abandonado,” ayon sa imbestigador.

Natagpuan naman ang apat pang kinakalawang na pampasabog sa isang bakanteng lote Bgry. Centro Sur.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Gumamit pa ng canine unit ang pulisya sa pagrekober sa mga pampasabog at bomba.