Naniniwala si Miss International 2016 Kylie Verzosa na kayang makasungkit ng korona ni Herlene Nicole Budol kung bibigyan pa nito ang sarili ng isa pang pagsabak sa prestihiyusong pageant sa susunod na taon.

Sa isang panayam kamakailan, deserving para sa Pinay titleholder ang tinatamasang atensyon ni Herlene mula sa fans at maging sa pageant community sa bansa.

“Deserved niya lahat ng ingay na nakukuha niya. Happy ako [para sa kaniya]. At saka ang ganda ng sagot niya at parang nasubaybayan ko yong journey niya [sa pageant na ‘to],” saad ni Kylie nang matanong ng saloobin nito ukol kay Herlene.

“Ang ganda ng transformation niya. At happy ako na first runner-up [siya]. Ako personally sana nanalo siya ng crown,” hirit pa ni Kylie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunpaman, “happy” rin umano si Kylie sa mga choices of winner ng Binibining Pilipinas ngayong taon.

Basahin: ‘Last ko na’: Herlene Budol, ‘di na muli sasali sa national pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang sinabi si Herlene na huling sabak na niya ang national pageant ngayong taon.

Para kay Kylie, dapat pang subukang sumalang ni Herlene.

“Parang isa pang try, kaya pa niya,” saad ni Kylie.

Pinuri rin ng Pinay beauty queen ang naging matalas at nakakantig na sagot ni Herlene ukol sa naging transpormasyon nito bilang isang beauty queen.

“Sobrang okay ako dun eh. Alam mo ‘yon parang celebration of Pinoy language. You have to speak in your own tongue kung saan ka ba talaga komportable. At tama lang na Tagalog ang ginamit niyang language. Sobrang nakaka-touch, sobrang from the heart yong sagot niya. Sobrang nakakakilabot, for me isa pang try.”