Lubos ang pasasalamat ng komedyante-TV host na si K Brosas nang makaligtas sila ng kaibigan nitong si Pokwang mula sa aksidente sa Dallas, Texas.

Pagkukumpirma ni K, ligtas naman sila ngunit nagtamo sila ng mga pasa at sugat.

Aniya, "So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/kbrosas/status/1553831096210624518?s=20&t=VALevRiYme4B00-P10HYKg

"eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe.. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po," caption niya nang in-upload niya ang larawan ng nangyaring aksidente.

Sa uploaded video ng News5, idinetalye ni K ang nangyaring aksidente at sinabing siya ang pinaka-nagtamo ng sugat sa kanila matapos siyang bumagsak sa sahig noong nangyari ang insidente.

Dagdag pa niya, agaran namang dumating ang awtoridad para sumaklolo sa kanila, na pabirong sinabi ni Pokwang ay animo'y lahat ng ahensya ay darating upang tumulong sa kanila dahil dumating rin ang isang firetruck.

Tinignan na rin sila ng doktor at ipinapanalangin naman ni K na maging maayos at mabilis ang kanilang recovery dahil kasalukuyang nanakit pa ang kanyang katawan.