Handa umano ang Angat Buhay Foundation ni dating Vice President at ngayon ay chairperson nitong si Atty. Leni Robredo, na makipagtulungan sa adbokasiyang magpalaganap ng mga tamang impormasyon at putulin ang stigma kaugnay ng kumakalat at kinatatakutang sakit ngayon na "monkeypox".

"Handa ang @angatbuhay_ph na makipagtulungan at makiisa sa adbokasiya na magpalabas ng tamang impormasyon, para maiwasan ang pagkalat ng sakit na monkeypox at ng stigma na kaakibat nito," saad sa tweet ni Robredo noong Lunes, Agosto 1.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

https://twitter.com/lenirobredo/status/1554011392084422657

"Beyond these, we also call on the private sector and fellow non-government organizations to prepare to augment the needs and fill in the gaps, in case our government needs assistance in dealing with this disease."

https://twitter.com/lenirobredo/status/1554011389672685568

Ibinahagi ni Robredo ang infographics tungkol sa monkeypox, na ginawa ng Angat Buhay. Nanawagan ang dating pangalawang pangulo na magbahagi lamang sa social media ng mga beripikado at tamang impormasyon kaugnay ng sakit, makinig sa mga eksperto sa usaping pangkalusugan, sumunod at makiisa sa mga awtoridad sa mga pamayanan upang matiyak ang collective safety.

"In the midst of the dangers posed by monkeypox, we are asking the public to share only verified information about the disease, to listen to public health experts, and cooperate with authorities and our community to ensure our collective safety," aniya.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1554011383628693512

"Kung nakakaranas kayo ng mga sintomas na nabanggit sa infographic, mag-isolate agad at sumangguni sa inyong lokal na health workers o mga doktor. Ibukod ang mga sinuot na damit at kumot para hindi magamit ng iba. Ituloy ang isolation hanggang ang lahat ng rashes ay maglangib," mababasa naman sa opisyal na pahayag ni Robredo sa Angat Buhay official Facebook page.