Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Lt. Gen. Rodolfo Azurin bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes.

Si Azurin na graduate ngPhilippine Military Academy (‘Makatao’ Class of 1989) ay kasalukuyang hepe ng Northern Luzon Police Area na binubuo ngIlocos (Region 1), Cagayan Valley (Region 2), Central Luzon (Region 3) at Cordillera Administrative Region.

Naging commander din ito ngSouthern Luzon Police Area na sumasaklaw ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) - Region 4-A, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) – Region 4-B, at Bicol (Region 5).

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Dati ring hepe ng Maritime Group si Azurin at naging Police Regional Office 1 director.

Papalitan ni Azurin si PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr..

Nangako naman ang PNP na ibibigay nila ang buong suporta sa liderato ni Azurin.

“Under P/Lt.Gen. Azurin's direction, we assure the public that our police force will sustain its momentum to carry out PNP’s mission and to deliver its mandate with utmost integrity, credibility and professionalism, all for safety and protection of our Filipino people,” pagdidiin ni PNP public information office chief, Brig. Gen. Roderick Augustus Alba nitong Lunes.

PNA