Isa sa mga tumutok sa katatapos na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 si Unkabogable Vice Ganda, batay sa kaniyang mga updated tweets.

Puring-puri si Vice sa mga kandidatang nakapasok sa Top 12 dahil lahat daw ay pawang magaganda at mahuhusay.

"Di ako aarte sa mga candidates! Magagaling magsalita. May talino at husay! Nakakatuwang makita na dumadami na din ang mga tulad kong perpek! Chozzzz!" aniya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

https://twitter.com/vicegandako/status/1553778949754593284

Pero ang mas naiyak siya, para kay Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol na humakot lang naman ng pitong special awards, at para sa isang first timer na kagaya niya, hindi na masama ang tanghaling "Binibining Pilipinas 2022 1st Runner-up."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-hipon-girl-budol-naghakot-ng-special-awards-sa-binibining-pilipinas-2022/">https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-hipon-girl-budol-naghakot-ng-special-awards-sa-binibining-pilipinas-2022/

"E yung naiiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love you Herlene! #BinibiningPilipinas," tweet ng Unkabogable Star.

https://twitter.com/vicegandako/status/1553777470054473728

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Budol dahil sa balita ng Manila Bulletin. Ibinahagi ito ng kandidata sa kaniyang Facebook post.

"Isang malaking karangalan ma-tweet ako ng isang phenomenal & Unkavogable Meme Vice," sey ni Herlene.

Matatandaang nag-fan girling sina Vice Ganda at Herlene sa isa't isa nang bumisita ang huli sa "It's Showtime" sa kauna-unahang pagkakataon. Kapuso comedienne kasi si Herlene at contract artist ng Sparkle GMA Artist Center, bukod pa sa mina-manage siya ni Wilbert Tolentino.