Makatatanggapng ayuda ang 6,000 pamilya ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Abra, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“Sa unang bilang namin, meron at least mga 6,000 na OFW families dito sa lalawigan ng Abra,” pahayag ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

Pinayuhan nito ang mga pamilya ng OFW na magparehistro online o magtungo lamang sa mgaregional welfare office ng ahensya sa Cordillera Administrative Region.

Mula₱3,000 hanggang₱5,000 ang matatanggap ng bawat pamilya ng mga OFW, ayon kay Cacdac.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

“Perobababapo sa area 'yungOWWA para maging mas madali po sa ating mga kababayan, si Deputy Administrator Arnell Ignacio ay magkakaroon, meron na po siyang team na nakahanda at sa ngayon, meron na nga tayong mga technical teams na bumaba na,” dagdag pa nito.

Matatandaang malaking bahagi ng Abra ang napinsala ng 7.0-magnitude na lindol nitong Miyerkules, Hulyo 27. Naapektuhan din ng pagyanig ang ilang lugar na kalapit nito.