Trending topic sa Twitter ang kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala Night na isang benefit event na dinaluhan ng mga Kapuso executives at stars, na ginanap sa Shangri-La, The Fort, Taguig nitong Sabado ng gabi, Hulyo 30.

Ilan sa biggest Kapuso stars na dumalo rito ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, Sanya Lopez, Heart Evangelista kasama ang mister na si Senador Chiz Escudero, Solenn Heussaff, Gabbi Garcia kasama ang partner na si Khalil Ramos, Rhian Ramos, Max Collins, Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza, Bianca Umali, Jillian Ward, Rita Daniela, Alden Richards, at marami pang iba.

Siyempre, inabangan ng mga Kapuso ang naging outfitan ng mga rumampang celebrities sa red carpet. Isa sa mga pumukaw ng atensyon ay ang suot ni Kylie Padilla kung saan tila may belo siyang fishnet sa kaniyang ulo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

May be an image of 1 person and standing
Kylie Padilla (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Narito ang iba't ibang komento ng mga netizen sa comment section ng Manila Bulletin.

"It’s giving me the Kylie Jenner vibe at the 2022 Met Gala."

"Super ganda and kakaiba!"

"Another day of saving the bees."

"Category is: Save the Bee Realness."

"Parang ready ka na pumunta sa lamay ni Aljur mo."

"I love it, Ms. Bolera! Super unique."

"Bagong face shield! Para iwas-dengue."

"Akma sa panahon, tag ulan… daming lamok…"

"Dengue awareness"

"Nagwoworry talaga ako baka mauhaw and magutom siya during the party."

"Yung nakidnap ka pero kailangan mo makahabol sa Gala Night."

"Kim Kardashian inspired noong MET Gala, kaso kay Kim K sarado talaga yung mukha."

"Kakaiba, love it… walang katulad."

"Takot ma-dengue kaya isinuot na yung kulambo."

"The new face shield para iwas sa Covid at monkeypox."

Samantala, wala pang tugon o komento si Kylie tungkol dito.