Binanatan ni Juliana Parizcova Segovia ang isang direktor na humakot ng parangal sa prestihiyosong Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS, at "nagtatapang-tapangan" daw sa pag-aktong pa-victim sa pagtapat sa pelikulang "Maid in Malacañang" na ipalalabas na sa Agosto 3.

"Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pavictim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo," ayon sa Facebook post ni Segovia, Hulyo 30.

"Sige na nga… Congrats Hahahahaha!"

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong 69th FAMAS daw kasi, si Tañada raw ang naging direktor nito. Makikita pa ang screengrab ng pagpapasalamat ng direktor sa pamunuan ng FAMAS gayundin sa mga taong nakatrabaho upang maging matagumpay ang gabi ng parangal.

Bagama't walang binanggit sa caption, ibinahagi naman niya ang screengrabs ng Facebook post na laban sa Palanca awardee na si Vince Tañada, direktor ng pelikulang "Katips".

Mababasa sa isa sa mga post na, "Ang bulung-bulungan: Hindi kaya malapit lamang ang mga tao na nasa likod ng pelikulang ito sa mga pamunuan ng FAMAS?"

Matatandaang sa naging panayam sa direktor ng Katips na si Tañada, sinadya nilang tapatan ang MIM ni Yap. Isa umano siyang biktima ng Martial Law.

"Nilabanan ko talaga yung Maid in Malacañang," saad ni Tañada sa isinagawang press conference. China-challenge ako… china-challenge tao ng Maid in Malacañang, kaya nag-react nang ganoon si Direk Joel (Lamangan). Sabi ni Direk Joel, gagawa siya ng mga pelikula, eh ito nagawa na namin."

Noong 2021 pa pala nagawa ang pelikulang "Katips" na kasama sa mga nominado sa prestihiyosong FAMAS. Ngayon na raw ang oras upang ipalabas na ito sa mga sinehan.

"Sabi ko, now is the time… kasi this is about the truth… and nobody can invalidate me, my personal experience as a victim of Martial Law.

Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula umano sa mga tagasuporta ng pamilya Marcos ang kaniyang mga naging pahayag.

"Ang daming bashers kung na-experience ko raw ang Martial Law when I was born in 1974, eh di sanggol daw ako noong nakulong. Hindi lang naman po dapat makulong para ma-experience mo ang horrors of ML. I was a child when my grandfather was incarcerated."

"Masakit po bilang bata ang maranasan ito lalo't alam mong nakipaglaban lang si Senador Lorenzo Tañada para sa katotohanan. Paki-research na lang po ang buhay n'ya. #KATIPS," ayon sa award-winning director-writer.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/

Hindi naman nagpatinag ang direktor ng MIM na si Darryl Yap at binanatan din ang award-winning director.

Pitong parangal ang naiuwi ng pelikulang Katips sa katatapos na 70th FAMAS kabilang ang Best Director at Best Actor para kay Tañada.

Ito rin ang itinanghal na Best Picture, Best Musical Score, Best Cinematography, at Best Original Song. Best Supporting Actor naman si Johnrey Rivas na aktor sa entablado ng Philippine Stagers.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Direk Vince sa isyung ipinasasaring sa kaniya ni Juliana.