Sinagot na ni Vanessa Raval ang pagtawag ng atensyon sa kaniya ng rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz, dahil sa patutsada niya sa social media tungkol sa isang "sikat na panget na rapper" na umano'y lumalandi sa kaniya sa chat.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/vanessa-raval-pumalag-sa-panghaharot-ng-umanoy-pangit-at-cheater-na-rapper/">https://balita.net.ph/2022/07/28/vanessa-raval-pumalag-sa-panghaharot-ng-umanoy-pangit-at-cheater-na-rapper/

Batay kasi sa kaniyang deskripsiyon, espekulasyon ng mga online marites ay ang nabanggit na rapper ang kaniyang pinariringgan. Matatandaang kontrobersiyal ang rapper at Ex-Battalion member dahil sa naging hiwalayan nila ng partner na si Zeinab Harake, at pagkakaugnay kay Aira Mae Lipata.

Dumagdag pa rito ang pag-My Story ni Vanessa sa isa sa mga awitin ni Skusta.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noong Huwebes, Hulyo 26, ay hindi na nga nakapagtimpi si Skusta.

"Ms. Vanessa Raval," ayon sa latest FB post ng rapper.

"I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone-- meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan?"

"I'll be waiting."

Kaagad naman itong sinagot ni Vanessa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/skusta-clee-tinawag-ang-atensyon-ni-vanessa-raval-dahil-sa-pa-blind-item-tungkol-sa-isang-rapper/">https://balita.net.ph/2022/07/28/skusta-clee-tinawag-ang-atensyon-ni-vanessa-raval-dahil-sa-pa-blind-item-tungkol-sa-isang-rapper/

"Pre, hindi nga Ikaw yon. Hindi ako pwede mag-name drop, alam n'yo naman sa Pilipinas, kapag nag-name drop ka sa social media kahit ikaw tama, ikaw pa rin kakasuhan. Sino pa ba?"

"Narinig n'yo na sabi ni Atty.? Wag mag-name drop at makakasuhan tayo unfair talaga," sundot pa ni Vanessa.

Dahil dito, marami rin ang nag-aakusa kay Vanessa na baka gawa-gawa lamang niya ito upang matakpan ang isyu ng umano'y pagbubuntis ng kapatid na si AJ Raval.

Nitong Biyernes, Hulyo 29, ay muling ipinagdiinan ni Vanessa na hindi umano si Skusta Clee ang kaniyang pinatatamaan.

"Sabi nung isa, pag nag-name drop ka eh di makasuhan kung makasuhan."

"Hindi ganon kadali magka-background, sisirain niyan buong buhay mo. Ang hindi paggamit ng utak sa mga ganitong uri ng pangyayari ‘BARA BARA’ ay para lamang sa mga taong walang pangarap sa buhay. Wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Maging matalino at alam kong alam n'yo na once na public mo ang isang tao ng walang permiso at may halong masamang komento dito, puwede tayo makasuhan o makulong."

Kaya pala ayaw mag-name drop ni Vanessa ay dahil naranasan na umano niyang makasuhan ng isang "tinira" niya sa social media sa kasagsagan ng halalan.

"Kung naaalala n'yo may isang babae na tinira ko sa social media, after ko ipagtanggol ang mga kapatid nating BBM ay nanahimik ako. Marami akong kinaharap. Nagkakaso ako dahil sa putragis na name drop na 'yan. May tumulong ba sa akin? Tinulungan n'yo ba ako? Pag ba nakulong ako ngayon matutulungan n'yo ako? Hindi ko alam bakit karamihan sa mga tao ngayon sobrang kitid."

"Pag may babae na kumabit sobrang galit n'yo, ngayon naman ako itong ayaw sa mga cheater, at maging kabit galit pa rin kayo."

"Ginamit ko utak ko, nag-described ako ng tao na alam kong malalaman n'yo rin kung sino without dropping name. Maaaring marami pa rin sa inyo ang hindi pa rin malaman kung sino siya, pero kayo na gumawa ng paraan para malaman n'yo. Hindi naman kailangan maging matalino para usisiin kung sino ba talaga tinutukoy ko. SALAMAT."

"HINDI PO ITO SI SKUSTA CLEE," aniya.

May mga lumalabas namang espekulasyon na ang tinutukoy niya ay isang fliptop emcee subalit wala pang kumpirmasyon mula sa kaniya.

Samantala, nakialam na rin dito ang isa pa niyang kapatid na si Ace Raval.

"Kinausap ko na po si Vanessa Raval na tumahimik na lang, hindi na po siya magsasalita sa mga itatanong n'yo, sa mga influencer po na hindi natutuwa sa utol ko pls. tama na rin po, WALA N APONG MAGSASALITA ABOUT DITO SALAMAT PO!"