Inihahanda na ng Social Security System (SSS) ang calamity assistance program para sa mga naapektuhan ng lindol sa northern Luzon kamakailan.

Sa pahayag ng SSS, pakikinabangan ng mga SSS member at pensyonadong biktima ng lindol sa lugar ang kanilang calamity assistance program.

Nilinaw ng ahensya, ang mga SSS member at pensyonadong nakatira sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ang makakakuha ng calamity assistance package.

Paliwanag naman ni SSS President, chief executive officer Michael Regino, ang Calamity Assistance Package ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) at three-month advance pension para sa mga pensyonado.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang tinamaan ng 7.0-magnitude na pagyanig ang Abra at ibang lugar sa northern Luzon nitong Miyerkules, Hulyo 27, na ikinapinsala ng mga bahay, gusali at iba pang imprastraktura.