Nanindigan ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial na pagdating sa mga dating karelasyon, wala nang balikan!

Iyan ang sagot niya sa 'most savage questions' ng mga netizen sa kaniya, sa latest vlog na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.

Inihambing pa niya ito sa "ulam".

“Wala. Wala akong gustong balikan sa mga exes ko, aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ako kasi, after kami maghiwalay, usually may bago na silang girls. Ako ‘yung tipong, ‘If natikman mo na ‘yung ibang babae after sa akin, bakit ka babalik sa akin? Porke’t hindi masarap ‘yung ulam na natikman mong bago, babalik ka sa ‘kin?"

"Panindigan mo ‘yan! Iyan ang pinili mo, ‘di ba? Sinayang mo ako, so huwag ka na'," aniya.

Nauna na niyang sinabi sa isang media conference na hindi siya ang tipong nakikipagbalikan sa mga ex. Kumbaga, kung tapos na, tapos na.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/01/barbie-imperial-hindi-nakipagbalikan-kay-diego-loyzaga-friends-na-lang-daw/">https://balita.net.ph/2022/04/01/barbie-imperial-hindi-nakipagbalikan-kay-diego-loyzaga-friends-na-lang-daw/

Bukod kay Diego Loyzaga, ilan sa mga nakarelasyong celebrity ni Barbie ay sina Paul Salas, Ryle Santiago, at naiugnay din siya kay JM De Guzman.

Samantala, aminado naman si Barbie na ang ex na talagang "emotionally damaged" siya ay ang recent na si Diego Loyzaga.

“Honestly, ‘yung pinaka nasaktan talaga ako I think si Diego talaga… Siya yung (ex) boyfriend ko na parang alam niya lahat about me, ganun…"

Kay Diego lang daw niya naranasang mapag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa.