Isa na namang mananaya na taga-Cagayan ang napabilang sa listahan ng bagong milyonaryo matapos tumama ng mahigit sa₱67 milyon sa isinagawang lotto draw nitong Huwebes ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na23-03-02-43-30-07.

Umabot sa₱67,672,225 ang premyo para sa nasabing partikular na Super Lotto 6/49 draw nitong Hulyo 28, ayon sa PCSO.

Ang ticket ay nabili sa Lal-lo, Cagayan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nitong Hunyo 23, 2022, dalawang mananayang taga-Tarlac City, Tarlac at Iloilo City sa Iloilo ang nanalo ng₱73,777,794.40 saSuper Lotto 6/49 draw matapos mahulaan ang winning combination na36-07-14-21-20-42.

Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.

Kaagad namang pinayuhan ng PCSO ang mananaya na magtungo na lamang sa kanilang main office sa Mandaluyong City upang i-claim ang premyo, magdala lamang ng dalawang valid identification (ID) card, pati na rin ang winning ticket.

PNA