Tila may pinapatutsadahan siP3PWD Party list Rep. Rowena Guanzon sa kaniyang tweet nitong Biyernes, Hulyo 29.

"Kahit libre ang ticket sa sine na yan lalangawin. #bardagulan," sey ni Guanzon na wala naman siyang binanggit kung anong pelikula ito.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1552858018379083776

Ipinagpapalagay ng mga netizen na ang pelikulang "Maid in Malacañang" ang tinutukoy ng kongresista.

Matatandaan na kamakailan ay may naganap na 'parinigan' sa pagitan nina Guanzon at Darryl Yap.

May pahayag umano si Yap para sa ‘matanda’ na kamakailan lamang ay pinag-usapan, matapos niyang tawaging ‘Old Lady’ ang umaaway kay actress-beauty queen Ruffa Gutierrez, na ipinagpalagay ng mga netizen na ang pinatutungkulan ay si Guanzon.

Ipinaraan sa opisyal na Facebook page ng VinCentiments ang kaniyang ‘pahayag’. Aniya, hindi raw lahat ng matanda ay gurang. May matatanda umang kagalang-galang. Ibinigay niyang halimbawa sina dating Senador Juan Ponce Enrile, dating First Lady Imelda Marcos, at National Security Adviser Prof. Clarita Carlos.

“Direk Darryl’s STATEMENT about MATANDA.”

Let’s be clear about one thing, hindi lahat ng matanda ay gurang. Yung ibang matanda, kagalang-galang. Take the case of Enrile, Imelda Marcos, Clarita Carlos–mga kagalang-galang.”

Habang ang iba naman daw, walang pinagkatandaan.

“Yung iba, jusko, kagurang-gurang. Walang pinagkatandaan. MAGKAIBA ANG BARDAGULAN. SA bardaGURANG.”

Matatandaang nagparinig na rin umano si Guanzon sa kaniya.

“I am an elected official, not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands. #Bardagulan,” saad ng dating komisyuner.

Sa isa pang tweet, tila bumanat ulit si Guanzon para naman sa isang hindi pinangalanang abogado.

“Kelan pa ako naging purveyor of fake news? Attorney (who?) baka ka ma-disbar. Careful… #Bardagulan,” aniya.

Sa isa pang tweet, tila pinasasaringan naman niya ang isang personalidad na umano’y tumawag sa kaniyang “damatands” o matanda.

“You can call me Bruneiyuki or a whore, bitch, but if you call me damatands, I will call you a pedophile. #Bardagulan.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/14/darryl-yap-may-pahayag-ukol-sa-matanda-yung-iba-gurang-walang-pinagkatandaan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/14/darryl-yap-may-pahayag-ukol-sa-matanda-yung-iba-gurang-walang-pinagkatandaan/

Dalawang pelikula patungkol sa kasaysayan ang magkakabanggan sa mga sinehan, sa darating na Agosto 3; ito ay ang “Katips” na pelikula ng Palanca awardee na si Vince Tañada at “Maid in Malacañang” ni Darryl Yap.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/