Usap-usapan ngayon ang pambubuking ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval hinggil sa pagcha-chat umano sa kaniya ng isang rapper, na inilarawan niya bilang "pangit", "babaero", at "pamilyado".

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Hulyo 26, ayaw siyang tantanan sa chat ng naturang rapper na naiisyu sa pambababae.

"Isang rapper ang ayaw ako tigilan sa chat. Nababash ka na sa pambababae mo wala ka pa rin dala? Mahilig ka talaga sa malaman no? Wag ako, eh ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko wag mong dungisan," aniya.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Naging sunod-sunod na ang Facebook post ni Vanessa tungkol dito. Pinagdiinan niyang wala siyang interes sa rapper na ito at ayaw niyang "kumain ng putahe na hindi masarap ang lasa". Magpokus na lamang daw ito sa kaniyang anak, at huwag siyang idamay. Hindi raw lahat ng mga natipuhan nito ay kakagat sa kaniya.

"PARA DITO SA RAPPER NA FEELING POGI, MAKUNTENTO KA SA CHICKAS MONG BAYARAN. WAG MO KO IDAMAY. IMBIS NA MAGFOCUS KA SA ISANG ANAK, NAG FOFOCUS KA SA MADAMING BABAE. HINDI LAHAT NG NATIPUHAN O PINAG NANASAAN MO KAKAGAT SAYO. SORRY, HINDI KO KAYA KUMAIN NG PUTAHENG PANGIT ANG LASA," aniya.

Kaugnay nito, kumakalat na rin sa social media ang naging kumbersasyon nila sa chat ng naturang rapper, na ibinahagi na rin niya sa kaniyang social media. Mababasang tila nagkakalabuan na ang rapper at ang karelasyon nito, kaya inaaya niya si Vanessa sa isang resort upang magkasarilinan sila. Bumubuwelo na raw ito upang hiwalayan ang karelasyon, at batay sa konteksto ng kaniyang mga mensahe, tila bet niya si Vanessa. Kailangan daw niya ng makakausap ng mga sandaling iyon. Tinawag pa niyang "My Vanessa" ang kapatid ni AJ Raval.

Bagay na pinalagan naman ni Vanessa dahil may jowa na siya.

"Yung sabihin mong nagsasawa ka na sa ugali niya at bumebwelo ka lang na hiwalayan siyam hindi mo kinadagdag ng puntos sa akin 'yon. Bagkus, nagmumukha ka lalong walang bayag. Ano? Iisa-isahin mo lahat ng babae sa mundo? Langit na ba tingin mo sa sarili mo? Papasukan mo lang tapos Ikaw pa susuka? Sa pangit mong 'yan? Mas mataas pa pangarap mo kay KOKEY Sxaucseee," ani Vanessa.

"HINDI AKO KAGANDAHAN, KAPUTIAN, O KASEXYHAN, PERO PASS SA PANGIT NA CHEATER," aniya pa.

Nag-upload din si Vanessa ng TikTok video tungkol dito na may caption na "WAG MO KO IDAGDAG SA MGA KALOKOHAN MO. MAGING MABUTING AMA KA NA LANG."

Sa kaniyang latest Facebook post, "Kung sakali man, sa dami ng choice bakit ikaw pa? Bakit hindi pa doon sa gwapo? Bakit sa taong mukang infected ng virus na hindi madiskubre kung anong uri ng virus. Bakit doon sa lalaking mukhang inako lahat ng sakit sa buong mundo."

Bagama't wala namang binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy na rapper, walang ibang bukambibig ang mga netizen sa comment section kundi si "Skusta Clee" o Daryl Ruiz sa tunay na buhay, na kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal dahil sa isyu ng pangalawang hiwalayan nila ni Zeinab Harake. Naugnay rin ang pangalan ng personalidad na si Aira Mae Lipata na bago umanong jowa ng rapper.

"Hoy Hindi si Skusta 'yan. Hindi ako nag-name drop. LOL Basta sana nag-focus na lang sya sa anak niya. Or bago niyang bayaran na jowa," sansala ni Vanessa na nagpagulo naman sa isipan ng mga netizen.

Ngunit lalo pang umigting ang paniniwala ng mga netizen na baka si Skusta Clee talaga ang tinutukoy nito, dahil sa makahulugang My Story ni Vanessa, kung saan ang background music ay awitin ng rapper.

"Dahil hanggang mamatay ka pangit ka, wag ka nang umasa, wag mong tangkaing sa akin lumapit dahil hanggang mamatay ka pangit ka," maririnig sa lyrics na ibinahagi naman ni Vanessa bilang text caption.

Screengrab mula sa FB ni Vanessa Raval

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Skusta Clee tungkol dito.