Nagtungo na sa Abra si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Huwebes ng umaga upang bisitahin ang mga naapektuhan ng malakas na pagyanig nitong Miyerkules.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at sinabing iikutin ni Marcos ang buong lalawigan upang makita ang lawak ng pinsala ng lindol.Kasama ni Marcos na nagtungo sa Abra sina Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr., Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Jose Faustino Jr. at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

"PBBM gustong makita ng personal ang search and rescue at relief operation ngiba’tibang ahensya sa earthquake devastated areas," ayon sa Facebook post ni Tulfo.

"Nais din ng Pangulo ng personal na kumustahin ang mga biktima at makiramay sa mga namatayan," aniya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa report naman ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, lima ang naiulat na namatay at 131 ang nasugatan sa pagtama ng malakas na pagyanig sa Cordillera.