Patay ang isang college student matapos umanong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Sampaloc, Manila, hinihinalang dahil ito sa nararamdamang labis na kalungkutan bunsod ng sunud-sunod na dagok na dumating sa kanyang buhay, kabilang na ang pag-aresto ng mga pulis sa kanyang kapatid at pagkaka-stroke ng kanyang ama.

Ang biktima ay itinago na lamang sa pangalang ‘Majo,’ 20, hotel and restaurant management student sa National Teacher College (NTC) at residente ng Honradez St., sa Sampaloc.

Batay sa ulat ni Pat Christian Joseph Pineda, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na mismong ang tiyahin ng biktima na si Elma Cordero, 55, ang nakadiskubre sa pagbibigti ng biktima dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan.

Galing umano sa trabaho si Cordero at nagpapahinga sa receiving room ng bahay, nang maya-maya ay maramdamang tila may nakatayo sa kanyang likuran.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

Nang tingnan ay nakita niya ang biktima na nakabigti ang leeg sa kisame, gamit ang isang kulay asul na nylon cord.

Kaagad naman umanong humingi ng tulong si Cordero sa mga kapitbahay upang mabuksan ang pintuan ng bahay ngunit nang maibaba ang biktima mula sa pagkakabigti ay patay na ito.

Ayon kay Cordero, nagsimulang maging malulungkutin ang biktima matapos na maarestoang kanyang kuya noong 2021, na sinundan pa ng pagka-stroke ng kanilang ama kamakailan lamang.